Kulang pa ba?

‘Masyadong madami.

Masyadong makalat.

Ni hindi ko alam kung saan ko gusto mapunta.

Makihalobilo.

Sa kababayan o sa dayuhan.

Umalis sa kahon ng pagkabata at tumahan sa pag-atungal.

Layasan ang pagbibigay lebel ng mga taong di ko naman kilala.

Mga taong nakulong sa ikabubuhay at hindi sa pasyon (kung meron man sila non).

Mga taong pilit kang pinipigilan.

Hindi raw ako sapat.

Hindi raw ako kwalipikado.

Gusto ko lang malaman, ‘ano bang meron ako na nagawa mo na?’

Sabihin mo sa akin hara-harapan na di ko kaya.

Na sinusulat ko ang tula na to sa tagalog at hindi sa ingles.

Ingles na major ko sa kolehiyo.

Ingles na di ko mapadaloy sa bibig galing sa utak.

Hanggang utak lang.

Hanggang papel lang.

Hanggang ngayon di ko pa din mabitak-bitak ang bato sa lalamunan ko.

Bumara.

Kumikitil ng oportunidad.

Utal-utal kong nasasabi

. Kung sa bawat minuto na pagsusulat sa ingles ay ikagagaling ko.

Ikatutunaw ng bato sa lalamunan ko.

Ilalaan ko ito para masabi ko naman na hindi ako inutil.

Hindi ako gagagraduate ng may kaba sa tuwing magsasalita.

Matatakot na ma-obliga magwika sa ingles.

At kung hindi ko kaya, lulunurin ko ang sarili ko sa panibagong kultura.

Malayo sa pilipinas.

Sa dayuhan.

Ipilit ang wika na dumaloy ng kusa.

Umalis.

Palayo sa paghuhusga mo.’

This is a Filipino Poem that tackles how I struggle with speaking in English even though I’m an English Major. How I’m contemplating on migrating to other country just to force it upon me.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s