3 simple ways to get through heartache: Inspired by “Ang Huling Tula na Isusulat Ko para sa ‘Yo”

Number #1: Write a long poem

For as long as I can remember, it has been a wide known fact that poets (even from the ancient times) are normally abnormal or crazy or mental or just simply getting through heartache. I know it’s hard to write, but who says you need to write according to the norms. NOPE. Just write every word you can muster to describe your feelings, every name you can call THAT thing, and relate everything you see around you to what you think. 

Number #2: Read it out loud (with intense feelings)

If Ed Sheeran has “Thinking Out Loud”, well here’s our Read it Out Loud. Surely, after you’ve written down that heart-wrenching poem for someone, something or yourself. I know, there is still that stubborn pain inside your heart and in the back of your mind. You know it’s still there. If you can, climb a mountain and read that poem loud. Let’s believe that losing your voice will make it disappear. In the movies, it works like magic. The new guy will take the girl into a trekking date and force her to shout her problems and then, of course, he’ll be there to save the day and the story will end with the girl leaning her head into the new guy’s shoulder *cue the sunset*. THE END. YUCK.

DO IT ALONE. Let it be a secret (not really) between you and the mountains (and a few strangers trekking somewhere in the mountain).

Number #3: Let Others Know

There’s a thing called ‘support system’, you know. Use it for your own benefit. Your friends will surely know how to calm you down (ice creams and midnight films), your mother knows what’s best for you (It’s by learning how to move on, she knows all about that) or your dog will surely lick your problems away (they do).  OR TAKE IT TO THE CROWD. Finalize your piece and go to a poetry reading event. Wait for the open mic and let others be the witness that, FINALLY, you’re setting yourself free from pain and heartache.

It’s also your chance to insult someone without them knowing unless, they are there in the event or someone uploaded a video of you and make you famous.

This Poet surely did become famous because of his phenomenal lines like

“Hindi ako kwintas na isusuot mo lang sa piling-piling mga okasyon, kapag mayroong mga sitwasyon na pakiramdam mo ay kulang ka pa.”

Here’s another one:

“Hindi ako antigong salamin na matagal mo nang pag-aari, na tinitignan mo lang  para ipaalala sa sarili mo na maganda ka.”

And the crowd’s favorite,

“Iniibig kita at ubos na ubos na ako”

a line from a movie “ISLANDS” by Whammy Alcazaren (written by two great people, Whammy Alcazaren at Giancarlo Abrahan).

This guy’s name is Juan Miguel Severo. He’s a member of local spoken word poetry group “Words Anonymous”.

Ang Huling Tula na Isusulat Ko para sa ‘Yo

Juan Miguel Severo

Pangako ‘yan, at totoo. Hindi ko alam kung magiging ga’no kahaba kung kasya ba sa isang pyesa, ilang pahina, ilang minuto ang itatagal at ihahaba nito kaya posibleng hindi ko agad makabisado. Pero pangako ‘yan… Ito na,  ang huling tula  na isusulat ko  para sa ‘yo. Itaga mo ‘to sa bato abutin man ako ng umaga dito hindi ko ipipikit ang mga matang ito. uubusin ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo o ng anumang tawag ko sa’yo, (mahal, sinta, irog, pangga, babe, beh, bae, asawa ko, mine? wifey, bae, kulet, kapal, k*pal, walangya, p*ki, p*king *na ka) ano pa ba? Wala akong pakialam kung abutin ako ng ilang talata dito, pero hindi ko na pwedeng patirahin lang, dito sa loob ko, ang mga salitang ito. Kaya pangako… Ito na,  ang huling tula  na isusulat ko  para sa ‘yo. Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung saan ako nakatira hinidi mo nga pinansin,  ang mga agiw sa dingding. Hindi ka nga natinag sa ipis na biglang dumating sa iyong pagbisita. Pero hindi mo rin man lang din tinignan ang mga libro  na nasa tabi ng kama ko, natutulog din. At tangi ko noong kapiling. Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong niyakap mo ako noong sabihin ko sa’yong, “Mahal Kita…” Sa kung paanong hinalikan mo ako sa noo sabay sabi ng:  “Mahalaga ka…” At ako naman ‘tong si tanga, tuwang-tuwa, dahil hindi pa nalilinawan na ayaw ko  na maging mahalaga, ayaw ko  na maging mahalaga… Hindi ako antigong salamin na matagal mo nang pag-aari, na tinitignan mo lang  para ipaalala sa sarili mo na maganda ka. Ayaw ko  na maging mahalaga. Hindi ako telepono mong dududukutin lang sa bulsa, kapag kailangan mo ng solusyon sa kawalan mo ng koneksyon, sa mundo mong masyado nang malawak para bigyang atensyon ka pa. Ayaw ko na maging mahalaga. Hindi ako kwintas na isusuot mo lang sa piling-piling mga okasyon, kapag mayroong mga sitwasyon na pakiramdam mo ay kulang ka pa. Hindi ako para ibalik sa loob ng isang kahon  kapag matutulog ka na sa gabi sa takot na masakal ka sa yakap ko kapag mahimbing ka na. O ibalik sa loob ng kahon at itabi sa sulok ng isang aparador sa takot na manakaw ako ng iba. Ayaw ko na maging mahalaga.. Ang gusto ko…  ay mahalin. Ang kailangan ko… ay mahalin. Kailangan ko na mahalin mo ako gaya ng kape mo sa umaga, tanggap ang tamis at pait, kailangan para sa init pero hindi isinasantabi dahil lang nanlamig na. Kailangan ko na mahalin mo ako gaya ng sarili mong opisina. Kabisado kung para saan ang ano kabisado kung nasaan nakatago ang alin. Kabisado ang mga itinatago kong patalim, silbi, dumi, lihim.. patalim… silbi… dumi… lihim! Kailangan ko na mahalin mo ako gaya ng unan mo sa gabi. Niyayakap sa ginaw, sinasandalan kahit na mainit, binubulungan ng mga pinakatatago mong panaginip. Ayaw ko na maging mahalaga… Ang kailangan ko ay mahalin… At nagsulat ako noon hanggang sa mahalin mo.. Kaya patawad  pero magsusulat ako hanggang sa maubos ko ang lahat ng salita, na posibleng tugma ng pangalan mo. Patawad. Pero magsusulat ako, para patawarin mo. Dahil minsan may nakapagsabi sa akin na ang hindi raw marunong magpatawad, ay hindi makapagsusulat. Kaya mahal sa pagkakataong ito, sa huling pagkakataon  na magsusulat ako ng tula para sa ‘yo, gumawa tayo ng kasunduan… Patatawarin kita, pero patatawarin mo rin ako. Patawarin mo ako sa hindi ko pagtahan, at patatawarin kita, sa hindi mo pagluha. Patawarin mo ako sa hindi ko pananahimik, at patatawarin kita, sa hindi mo pagsasalita. Patawarin mo ako sa hindi ko pag-alis, at patatawarin kita, sa hindi mo pananatili. Patawarin mo ako sa hindi ko sa ‘yo paglimot, at patatawarin kita, sa hindi mo sa akin pagpili, mahal. Gumawa tayo ng kasunduan: Patatawarin kita, pero patatawarin mo rin ako. Patawarin mo ako sa hindi ko pagbitiw at patatawarin kita, sa hindi mo pagkapit. Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo at patatawarin kita, sa hindi mo paglapit. Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko, at patatawarin kita, sa hindi mo pagsugal. At patawarin mo ako sa hindi ko pagkamuhi sa ‘yo, at patatawarin kita, sa hindi mo sa akin pagmamahal, mahal. Gumawa tayo ng kasunduan: Patatawarin kita, pero patatawarin mo rin ako. Para sa wakas ay matapos ko na itong tula, na masyado nang matagal nang nakatira dito. At patawad… kung magiging masyadong mahaba, at maraming masyadong boladas. Pero pangako: huli na ‘to… huli na ‘to… huli na ‘to… Magsisimula ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung saan ako nakatira… Magsisimula ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako… Magsisimula ako uli sa umpisa… Magsisimula ako uli… Magsisimula ako… Ito na  ang huling tula na isusulat ko  para sa ‘yo… Mali!!! Ito na  ang huling tula na isinulat ko  tungkol sa ‘yo… T**g *na mo! Tapos na ako…

Advertisements

3 thoughts on “3 simple ways to get through heartache: Inspired by “Ang Huling Tula na Isusulat Ko para sa ‘Yo”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s